Rider bumangga sa puno, dedbol

@Balitang Probinsiya | December 19, 2020
ILOCOS NORTE—Isang rider ang namatay nang aksidenteng bumangga sa puno ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Santiago, Solsona.
Kinilala ang mga biktima na si Virgilio Seredon, Jr., residente ng Bgy. Albano, Dingras sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Seredon kaya bumangga ang motorsiklo nito sa puno.
Nabatid na dahil sa lakas ng pagkakabangga sa puno ay nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.
Dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments