Rider at angkas, todas sa trak
@Balitang Probinsiya | June 16, 2021
ALBAY—Isang rider at angkas nito ang namatay nang aksidenteng bumangga ang kinalululanan nilang motorsiklo sa nakaparadang trak kamakalawa sa Bgy. San Isidro, Sto. Domingo.
Isa lang sa dalawang nasawi ang nakilala sa pangalang Leonil Basco, 34-anyos, driver ng motorsiklo, samantalang inaalam pa pagkakakilanlan ng isa pang biktima.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Basco sa pagmamaneho ng motorsiklo habang kaangkas ang isa pang biktima kaya bumangga sila sa isang nakaparadang trak sa gilid ng kalsada.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang dalawang biktima.
Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan.



Comments