Rider at angkas, sugatan sa tricycle
@Balitang Probinsiya | January 06, 2022
CAMARINES SUR—Sugatan ang rider at angkas nito nang aksidenteng mabangga ng tricycle ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Biong, Cabusao.
Ang mga biktima ay kinilalang sina Danilo Temajo at Gil Sta. Ana, kapwa nakatira sa Bgy. San Pedro sa nasabing bayan.
Batay sa imbestigasyon, mabilis umano ang takbo ng tricycle na minamameno ng hindi pa kilalang driver kaya nabangga ang motorsiklong kinalululanan ng dalawang biktima.
Dinala pa ng mga saksi ang mga biktima sa pagamutan at kasalukuyan na silang ginagamot.
Pinaghahanap na ng pulisya ang driver ng tricycle na tumakas.



Comments