top of page
Gary V. - IG.jpg

Rider at angkas, patay sa trak

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 9, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 09, 2023


SURIGAO DEL NORTE -- Isang rider at angkas nito ang kapwa namatay nang mabangga ng isang trak ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa national highway sa bayan ng Dapa sa lalawigang ito.


Ang mga biktima ay kinilala ng pulisya na sina Mark Tulisana at Nelly Rabago, kapwa nasa hustong gulang at nakatira sa naturang lalawigan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Ronald Uriarte sa pagmamaneho ng trak kaya bumangga ito sa motorsiklong kinalululanan ng dalawang biktima.


Nabatid na sa lakas ng impact ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima na agad nilang ikinamatay.


Nakapiit na si Uriarte na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide and damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page