top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

RIA, NAGTE-THERAPY DAHIL SA SAKIT SA LIKOD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 19, 2020
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 19, 2020




Nilinaw ni Ria Atayde na may basbas ng mga bossing niya sa Star Magic ang pagtanggap niya ng bagong hosting job sa TV5, ang Chika Besh na nagsimula nang mapanood nu'ng Lunes (Aug. 17), at 10 AM, kung saan co-hosts niya sina Pokwang at Pauleen Luna.

May ilang namba-bash kay Ria dahil ang akala ay isa siya sa mga atat mag-ober da bakod sa Kapatid Network matapos ipasara ang ABS-CBN. Kinukuwestiyon pa nga ang loyalty nila ni Pokwang nang mabalitang sila ang mga unang Kapamilya stars (kasama si Jessy Mendiola na may bago ring show na Fit for Life) na may show sa TV5.

Ani Ria, mga executives ng Star Magic ang nag-recommend sa kanya para maging isa sa mga hosts ng Chika Besh at dahil new experience for her ang hosting ay gumora naman siya agad!


Pero 'di ibig sabihin ay bitbit na rin niya sa TV5 ang kanyang Mommy Sylvia Sanchez at Kuya Arjo Atayde. At 'di rin ibig sabihin ay exclusive na siyang talent ng TV5 dahil per show lang ang kontrata niya at under pa sa Archangel Media/APT Entertainment na blocktimer lang sa Kapatid Network.

Kuwento rin ni Ria, taped na ang mga episodes nila sa Chika Besh kaya bagama't may COVID scare pa rin, safe naman sila lalo't twice a month daw kung mag-rapid testing sila at sumusunod din sa protocol sa taping ng talk show.

Malaking blessing para kay Ria ang mabigyan ng opportunity na mag-host lalo't mahirap ang trabaho ngayon sa showbiz. At kahit isa pa lang ang TV show niya ngayon, okay lang naman daw dahil at least ay may time rin siya for baking sa bahay at nag-a-undergo pala siya ngayon ng therapy dahil sa kanyang slip disc.

Happy naman si Ria na sina Mama Pokwang at Pauleen ang mga co-hosts niya sa Chika Besh dahil lagi raw nakaalalay ang mga ito sa kanya bilang first time nga niyang mag-host ng talk show.

At dahil likas na matalino at madaldal din, 'di naman nahirapang mag-adjust si Ria sa bagong trabaho.

Ilan sa mga una nang naka-line-up na guests nila sa Chika Besh ay sina Sofia Andres, Lani Misalucha at Richard Yap.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page