top of page

Rewind, highest grossing Filipino film sa buong mundo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 31, 2024
  • 1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | January 31, 2024



ree

Nakapagtala ang "Rewind" ng bagong record!


Pinangalanan ang pelikula nina Marian Rivera at Dingdong Dantes bilang "Philippines’ highest grossing film of all time" dahil ito ang unang pelikulang Pilipino na kumita ng higit sa P900 milyon sa buong mundo na umabot sa kabuuang P902 milyon.


Ito ang pinakamataas na kumita sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino at lumampas sa naunang record na iniwan ng "Hello, Love, Goodbye" na kumita ng P691 milyon.


Ipinapalabas ang pelikula sa mahigit 270 sinehan sa Pilipinas, United Arab Emirates, Estados Unidos, Canada, Australia, New Zealand, Singapore, Guam, at Saipan.


Ito rin ay bahagi ng kasalukuyang Manila International Film Festival sa Hollywood, California.


Minarkahan ng "Rewind" ang pagbabalik ng DongYan sa big screen mula sa pelikulang "You to Me Are Everything" noong 2010.


Umiikot ang kwento ng pelikula sa isang mag-asawang may problema sa kanilang pagsasama ngunit isang trahedya ang naganap na nagdulot sa mga karakter na mabuhay sa isang time-loop.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page