top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Retiradong teacher, nilikida ng riding-in-tandem

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 18, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | December 18, 2020



NORTH COTABATO—Isang 68-anyos na retiradong guro ang namatay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Kidapawan City.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Ofelia Castillano, residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, pababa umano si Castillano sa sinakyan nitong tricycle nang biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page