top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Retiradong colonel, niratrat ng mga armado

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 29, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | Oct 29, 2021



AGUSAN DEL SUR—Sugatan ang retiradong colonel ng Philippine Army (PA) sa isinagawang pamamaril ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan kamakalawa sa Bgy. Sta. Cruz, Bunawan.


Kinilala ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si ret. Col. Samuel Afdal, nakatira sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, habang nagsasagawa ng imspeksiyon si Afdal sa pag-aari niyang mining area sa naturang barangay ay sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek, samantalang agad dinala ng kanyang mga tauhan si Afdal sa ospital at ginagamot na ang mga tinamo niyang bala sa katawan.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page