Restaurant nabangga ng SUV
@Balitang Probinsiya | October 29, 2023
ILOILO -- Isang restaurant ang nabangga ng isang SUV kamakalawa sa Iloilo City sa lalawigang ito.
Ang nabangga ay ang Dapli Restaurant sa Valeria St., City Proper sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, matapos salpukin ang restaurant ay tumakas ang driver ng SUV.
Napag-alaman na walang nadisgrasya sa nasabing insidente.
Pinaghahanap na ng pulisya ang driver ng SUV para sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to damage to property.



Comments