top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

Responsibilidad ng lahat ang pag-iwas sa sunog

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | May 12, 2026



Editoryal, Editorial


Sa mga nagdaang araw, sunud-sunod ang mga balita tungkol sa sunog sa iba’t ibang lugar. May nasusunugang bahay, gusali, pabrika, at maging mga komunidad na nagiging abo sa loob lamang ng ilang minuto. 


Bukod sa malaking pinsala sa ari-arian, buhay at kinabukasan ng maraming pamilya ang naaapektuhan. 


Kaya naman mahalagang paalalahanan ang lahat: triple ingat at maging responsable sa bawat kilos. 


Karamihan sa sunog ay nagsisimula sa overloaded na saksakan, napabayaang kandila, o sirang linya ng kuryente. 


Kung magiging responsable lamang ang lahat, maraming insidente ang maiiwasan. Ugaliing patayin ang appliances kapag hindi ginagamit at siguraduhing ligtas ang bahay bago matulog o umalis.


Hindi sapat na umasa lang sa mga bumbero. Responsibilidad ng bawat isa ang pag-iwas sa sunog. Dapat maging alerto at disiplinado sa tahanan at komunidad.


Simple lang ang mensahe: triple-ingat at maging responsable. Ang kaunting pag-iingat ngayon ay makapagliligtas ng buhay at ari-arian bukas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page