top of page
Search
  • BULGAR

Resbak sa PUV modernization program.. Marso 6-12, tigil-pasada

ni BRT | February 28, 2023



Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.

May ikinakasang isang linggong tigil-pasada ang ilang grupo ng mga jeepney at UV Express operator bilang pagtutol sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng gobyerno.

Inaasahang mula Marso 6 hanggang 12 ang ikakasang tigil-pasada ng mga jeep at UV Express na kasapi ng mga grupong Alliance of Concerned Transport Organizations, Manibela at Piston.

Nasa 40,000 units ang inaasahang makikiisa sa Metro Manila na sakop ang lahat ng ruta.

Ang nasabing tigil-pasada ang sagot umano ng mga grupo sa pagbibigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng deadline na Hunyo 30 sa mga operator na hindi pa nakasunod sa industry consolidation.


Bahagi ito ng PUV Modernization Program, kung saan kailangang maging kasapi ng kooperatiba o korporasyon ang mga operator at driver.

Kung hindi makapag-consolidate o kahit pending application hanggang Hunyo 30, mapapaso ang provisional authority ng mga tsuper at hindi makakapamasada.

Una nang sinabi ng LTFRB na hindi agad patitigiling pumasada ang mga tradisyunal na jeep basta susunod sa industry consolidation.

Gayunman, ang mismong pagsali sa mga kooperatiba ang kinukuwestiyon ng mga operator, bukod pa sa gastos sa pagpapalit sa modern jeep na nagkakahalagang higit P2 milyon kada unit.

Samantala, balak din ng ilang transport group na magsampa ng temporary restraining order laban sa PUV Modernization Program.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang LTFRB at Department of Transportation (DOTr) hinggil sa planong tigil-pasada.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page