Reklamo sa SAP, inaksiyunan ng PACC
- BULGAR

- Aug 1, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 1, 2020

Inaksiyunan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang aabot sa 4,000 reklamo kaugnay ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan ayon kay Anti-Corruption Commissioner Greco Belgica.
Aniya, “Kapag pumasok ang complaints sa amin, papasok agad 'yan sa technical evaluation, and then titingnan ang jurisdiction, kung may ebidensiya, titingnan ang form and substance. Kung mayroon ay papasok na sa investigation and then ang makikitang resulta, papasok sa adjudication, and then i-present naman sa en banc and then they will vote what to recommend to the president.”
Saad pa ni Belgica, nararapat panagutin ang sinomang sangkot sa korupsiyon na aniya ay isang uri ng heinous crime at dapat diumanong hatulan ng parusang kamatayan.
Aniya, “Ang sa amin nga noon ay by hanging, pero okay naman din ang lethal injection. Pero some corruption po is as bad as murder, as bad as drugs, dahil ang effect nito perpetual, eh. “Dapat talaga, pinapatay po ‘yan. Ang corrupt talaga dapat po ‘yan pinapatay.”





Comments