Rehab project sa Manila Bay, tuloy!
- BULGAR

- Oct 10, 2020
- 2 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 10, 2020

Tuloy ang paglalagay ng crushed dolomite sa Manila Bay na parte ng rehabilitation project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ayon kay Undersecretary Jonas Leones.
Aniya, "Ang dolomite lang ang nagkaproblema doon... [The] dredging, silting [and] water quality improvement, tuluy-tuloy pa rin po sa loob ng Baywalk. Ang nagkaroon lang ng problema ay ‘yung small portion but the project would still continue.”
Matatandaang pinalagan ng mga environmental groups at eksperto ang paglalagay ng artificial white sand sa Manila Bay dahil umano sa “harmful environmental effects” nito. Pahayag pa ni Leones,
"Nagkaroon lang po ng problema sa private transaction nu’ng private contractor nu’ng dolomite.
At saka nagkaroon po ng violation ‘yung supplier natin sa Cebu, but wala naman pong epekto sa atin.”
Bago pa ipatigil ni Environment Secretary Roy Cimatu ang operasyon ng dalawang dolomite mining firms sa Alcoy, Cebu kung saan kumukuha ang pamahalaan ng synthetic white sand noong Setyembre, naglabas na ng cease and desist order ang Cebu Provincial Government laban sa mga naturang kumpanya dahil ang shipment umano ng crushed dolomite sa Manila ay walang public consultation.
Ayon din kay Leones, normal lang na ma-wash out ang crushed dolomite sa Manila Bay. Aniya, "Ito pong beach nourishment natin, in a regular, natural situation, talaga namang paalis-alis ang sand doon pero pabalik-balik din po because of the wave action.
Pero kung permanently washed out, hindi naman... because we have already instituted engineering works [and] intervention.
"Ibig pong sabihin, kahit malakas po 'yung [wave] doon, doon lang po sa perimeter naglalaro ‘yung sand like the normal beaches... Would it be totally washed out? Palagay ko po, hindi, dahil may engineering intervention doon."





Comments