Rebel returnee, tinepok sa sabungan
@Balitang Probinsiya | October 18, 2023
SORSOGON -- Isang rebel returnee ang namatay nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa loob ng sabungan sa Bgy. Guinlajon, Sorsogon City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Rey Esposado, alyas “Ka Rigor”, dating miyembro ng New People’s Army (NPA) at nakatira sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, habang nasa loob ng sabungan ay biglang pinagbabaril ng dalawang suspek ang biktima.
Matapos tiyaking patay na ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang mga suspek.
Nagpalabas na ngayon ng manhunt operations ang mga awtoridad para madakip ang dalawang salarin.



Comments