top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Rebel returnee tepok sa shootout

BULGAR
Nov 19, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 19, 2022


SORSOGON—Isang rebel returnee ang napatay sa engkuwentro sa pagitan ng pulisya at ng tatlong miyembro ng New People’s Army kamakalawa sa Bgy. Tigbao, Casiguran.


Ang napatay na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Caesar Groyon, nasa hustong gulang at residente ng naturang lalawigan.


Nabatid na si Groyon ay rebel returnee o rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan at habang kausap nito ang mga dati niyang kasamahang NPA na sina Nicanor Florencio, Fernando Dialogo at Rommel Hapa, pawang kasapi ng komunista sa lalawigan ay dumating ang mga operatiba para dakpin ang tatlong rebelde.


Ayon sa ulat, imbes na sumuko ay pinagbabaril ng tatlong aktibong NPA ang mga awtoridad, kaya gumanti ng putok ang mga operatiba at nang matigil ang barilan ng magkabilang-panig ay natagpuang patay si Groyon, samantalang nakatakas ang tatlong komunista.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na engkuwentro na ikinasawi ni Groyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page