Rebel returnee, niratrat
@Balitang Probinsiya | April 18, 2023
SORSOGON—Isang rebel returnee ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong lalaki, kamakalawa sa Bgy. Sta. Cruz, Casiguran sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Gringo Chan, 33-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang naglalakad si Chan ay biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos tiyaking patay na ang biktima saka mabilis na tumakas ang suspek..
Iniimbestigahan na ngayon ng pulisya ang motibo ng salarin sa pamamaslang sa biktima.



Comments