Rating ng Transformers One, Coraline, atbp., inilabas ng MTRCB
- Lucille Galon
- Sep 24, 2024
- 2 min read
Ni Angela Fernando @News | September 23, 2024

Photo: Yugatech
Inilabas ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga nakahandang pelikula ngayong ikatlong linggo ng Setyembre at ibinigay na rin ang mga rating nito.
Ang pelikulang “Transformers One” ay nakatanggap ng Rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) batay sa desisyon ng mga miyembro ng MTRCB Board, kabilang dito sina Bobby Andrews, Jose Alberto, at Juan Revilla.
Kabilang din sa mga pelikulang nagkaroon ng Rated PG ang “Coraline,” isang 3D remastered film na nirepaso nina BM Andrews, Revilla, at Racquel Maria Cruz.
Kasama rin sa kanilang pagsusuri ang dokumentaryong konsyerto na pinamagatang “Jung Kook: I Am Still,” na tampok ang kilalang BTS Korean pop star na si Jungkook, na nirepaso nina BM Jan Marini Alano, Michael Luke Mejares, at Mark Anthony Andaya.
Nakatanggap naman ang “Taklee Genesis” ng Warner Bros. ng Restricted-13 (R-13) rating dahil sa kumplikadong tema at mga eksenang may karahasan at katatakutan na maaaring maging nakakabahala at hindi angkop para sa mga edad 12 at pababa. Ito ay batay sa desisyon ng mga miyembro ng MTRCB, sina BM Alano, Mejares, at Lillian Gui.
Samantala, ang pelikulang “Never Let Go” na pinagbibidahan ni Halle Berry ay nakatanggap ng Restricted-16 (R-16) rating, na angkop lamang para sa mga edad labing-anim at pataas. Ayon kina BM Andrews, Alano, at Katrina Angela Ebarle, ang pelikulang ito ay naglalaman ng mga lenggwahe, tema, karahasan, at pag-uugali na hindi angkop para sa mga edad labinlima (15) at pababa.
Hindi naman nakalimutan ng MTRCB Chair na si Lala Sotto-Antonio na magpaalala sa mga magulang at nakatatanda, na dapat nilang gabayan ang mga kasama nilang manood ng mga pelikulang angkop lamang sa kanilang edad.
Comments