top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Rapist tiklo sa hideout

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 25, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 25, 2023


QUEZON—Isang wanted na rapist ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Lucena City sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Allan Tan, nasa hustong gulang, at pansamantalang nakatira sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.


Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pinagtataguan ng rapist kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.


Kusang sumama naman sa pulisya ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page