Rapist sa cagayan, tiklo sa cavite
- BULGAR

- Oct 31, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | October 31, 2020
CAVITE—Isang wanted na rapist sa Cagayan Valley ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bacoor City.
Nakilala ang suspek na si Joseph Farinas, pansamantalang nakatira sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa Aparri, Cagayan.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Farinas kaya kaagad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek.
Kusa namang sumama sa pulisya at hindi nanlaban ang suspek nang dakpin siya sa kanyang hideout.



Comments