top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Rapist ng Paranaque City, tiklo sa Mindoro

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 10, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 10, 2022

ORIENTAL MINDORO–Isang most wanted na rapist sa Parañaque City ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Zone 3, Pinamalayan.


Kinilala ng pulisya ang suspek si Rommel Hatulan, 22-anyos at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa Paranaque City.


Napag-alamang may nag-tip sa pulisya sa kinaroroonan ni Hatulan kaya mabilis na rumesponde ang mga operatiba at dito nadakip ang suspek.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page