Rapist ng Laguna, tiklo sa Rizal
@Balitang Probinsiya | Enero 20, 2023
RIZAL—Isang most wanted na rapist sa Laguna ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Quisao, Pililia.
Itinago muna ng pulisya ang suspek sa alyas na Sunny habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa Laguna.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pinagtataguan ng rapist, kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.
Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments