Rapist, nasakote sa hideout
- BULGAR
- May 17, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 17, 2023
ALBAY—Isang wanted na rapist ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya, kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Sta. Cruz, Ligao City sa lalawigang ito.
Itinago na muna ng pulisya ang suspek sa pangalang ‘Marco’, nasa hustong gulang, habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
Napag-alaman na dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Nabatid na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip ang manyakis.
Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments