Rapist na lolo tiklo sa hideout
@Balitang Probinsiya | Enero 5, 2023
CAMARINES NORTE—Isang rapist na lolo ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Hamoraon, Mercedes.
Ang suspek ay kinilala lang sa alyas na Lolo Ando, 60-anyos at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pinagtataguan ng lolong rapist, kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments