top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Rapist na lolo, tiklo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 16, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | July 16, 2023


SORSOGON -- Isang rapist na lolo ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Juban sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Wilson Bellen, 68 at pansamantalang nakatira sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, nadakip ng mga operatiba ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 2-counts ng kasong rape sa lalawigan.


Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Bellen kaya agad nila itong sinalakay at inaresto ang suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page