top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Rapist na lolo, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 7, 2024

CAPIZ -- Isang rapist na 64-anyos na lolo ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Brgy. Salcedo, Dumarao sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na “Lolo Lino”, pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.


Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa kinaroroonan ng suspek kaya rumesponde ang mga otoridad at inaresto ang nasabing rapist.


Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga otoridad at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya. 



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page