top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Rapist na lolo, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 27, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 27, 2021



ZAMBALES—Arestado ang 64-anyos na lolo na wanted sa kasong rape ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Masinloc.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya Aurel Quitales, nakatira sa naturang bayan.


Nabatid na dinakip ng pulisya si Quitales sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong panggagahasa sa hindi panangalanang batang babae.


Ayon sa ulat, nakita ng mga nagpapatrulyang pulisya si Quitales sa nasabing lugar kaya agad itong dinakip at ikinulong sa himplan ng pulisya.


Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek tungkol sa kinasasangkutan niyang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page