top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Rapist na lolo, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 19, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 19, 2024

ILOILO -- Isang rapist na 60-anyos na lolo ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Sta. Barbara sa lalawigang ito.

 

Ang suspek ay itinago muna sa alyas na “Alexander” habang iniimbestigahan ito sa himpilan ng pulisya.

 

Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.

 

Ayon sa ulat, matagal na umanong pinaghahanap ng pulisya ang suspek at kamakalawa lang ito natiyempuhang dakpin. 

 

Kusang sumama naman sa mga otoridad ang suspek at ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page