Rapist na lolo, arestado
@Balitang Probinsiya | January 08, 2022
SORSOGON–Arestado ang rapist na lolo kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Lungib, Sorsogon City.
Kinilala ng pulisya ang suspek si Antonio Cano, 69-anyos at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Cano kaya ito nadakip.



Comments