Rapist-killer, timbog

@Balitang Probinsiya | December 8, 2020
QUEZON—Isang most wanted na rapist-killer ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Batabal Sur, Buenavista.
Ang suspek ay nakilalang si Joey Tanlangco, pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape with homicide sa naturang lalawigan.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Tanlangco kaya kaagad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng pulisya sa nasabing barangay.



Comments