Rapist-killer, tiklo sa hideout

@Balitang Probinsiya | November 13, 2020
NEGROS OCCIDENTAL—Isang most wanted na rapist-killer ang nadakip ng pulisya
kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. San Miguel, Murcia.
Ang suspek ay nakilalang si Edgar Gonzaga, pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong rape with homicide kaugnay sa panggagahasa at pagpatay sa kapitbahay niyang 13-anyos na dalagita.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Gonzaga kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng pulisya sa nasabing barangay.



Comments