top of page
Search
  • BULGAR

Rapist-killer, nasakote sa hideout

@Balitang Probinsiya | March 1, 2021



BUKIDNON—Isang rapist-killer ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Sindaungan, Kandilingan.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Arnel Fortaliza, pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Napag-alamang inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape with homicide sa lalawigan.


Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Fortaleza kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek.


Hindi naman nanlaban at nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page