Rapist, arestado sa hideout
@Balitang Probinsiya | August 12, 2023
ALBAY -- Isang wanted na rapist ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Pantao, Libon sa lalawigang ito.
Kinilala muna ng pulisya ang suspek sa alyas na “Nono,” nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Napag-alaman na dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape at acts of lasciviousness sa lalawigan.
Nabatid na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad nila itong sinalakay at nadakip.
Hindi naman nanlaban ang suspek at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments