Ramon Revilla Sr., pumanaw na
- BULGAR
- Jun 26, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico - @Showbiz | June 26, 2020

Kinumpirma ni Sen. Bong Revilla na pumanaw na ang kanilang amang si Ramon Revilla, Sr. na kinilala bilang “Hari ng Agimat” sa edad na 93. Sa Facebook Live ni Sen. Bong bandang alas-5 ng hapon ngayong Biyernes, aniya, “Wala na po ang tatay ko… please pray for him.” Nagwagi ng FAMAS Best Actor noong 1973 si Ramon dahil sa pelikulang "Hulihin si Tiyagong Akyat.” Itinanghal din siya bilang Box Office King at Most Outstanding Actor of the Year taong 1979. Taong 1992 naman nang pinasok niya ang mundo ng pulitika at naging senador. Isang pakikiramay mula sa BULGAR family para sa mga naulila ni Ramon.








Comments