top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

PWD, todas sa sunog

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 24, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 24, 2023


ILOILO -- Isang 50-anyos na persons with disability (PWD) ang namatay nang ma-trap sa nasunog niyang bahay kamakalawa sa Bgy. Lumangan, Miagao sa lalawigang ito.


Kinilala ang biktima na si Willy Nadanga, residente ng nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nakita umano ng mga residente na biglang sumiklab ang sunog sa bahay ni Nadanga at na-trap ng apoy ang biktima.


Nabatid na sa pagresponde ng mga bumbero at nang maapula ang apoy ay dito na natagpuan ang sunog na bangkay ni Nadanga.


Napag-alaman na bulag ang biktima kaya hindi agad ito nakalabas sa nasunog niyang bahay, samantalang iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog sa tahanan ng biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page