top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Puwedeng kumalma, bawal magpabaya kontra COVID

BULGAR
Jun 6, 2022
1 min read

@Editorial | June 6, 2022


Kapansin-pansin na may mga kababayan tayong hindi na nagsusuot ng face mask, todo-gala at dedma na sa physical distancing.


Sa kabila ito ng nagpapatuloy pa ring banta ng COVID-19 na ngayo’y may iba-iba nang variant.

Kaugnay nito, inirerekomenda ng Department of Health (DOH) na panatilihin ang alert level system sa administrasyong Marcos.


Ito umano ang nagbibigay ng safeguard at guide para alam natin kung ano ang magiging aksyon base sa risk level ng areas sa ating bansa.


Sa ngayon, nakararanas umano ng hamon ang gobyerno sa pagsasailalim sa lahat ng lugar sa Alert Level 1 bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil naman sa mababang pagbabakuna sa ilang rehiyon.


Bukod sa pagpapatuloy ng alert level system, inirerekomenda rin ang pagpapalakas sa kapasidad ng health system, kabilang ang mga ospital at rural health units.


Una nang ipinaunawa na anumang variant ng COVID ang pumasok, hangga’t naka-face mask, may bakuna at sumusunod sa iba pang health protocols, kahit paano ay may laban tayo.

Kaya, ayos lang na kumalma pero huwag na huwag magpapabaya.


Alalahanin natin, marami pa tayong dapat harapin. Bukod sa banta sa ating kalusugan, nariyan din ang araw-araw nating hinaharap na pagsubok sa kabuhayan. Kailangang lagi tayong malakas para kumayod, ‘ika nga, bawal magkasakit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page