Putol na paa ng tao, natagpuan
@Balitang Probinsiya | Oct 26, 2021
AKLAN—Isang putol na paa ng tao ang natagpuan kamakalawa sa baybaying dagat na sakop ng Bgy. Pook, Kalibo .
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad kung sa lalaki o babae ang paang natagpuan sa nasabing lugar.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa paa na nakabalot ng gasa kaya’t ini-report nila ito sa pulisya.
Sa imbestigasyon ng pulisya ay posible umanong inanod lang sa naturang lugar ang putol na paa ng tao.
Patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa natagpuang putol na paa sa baybaying dagat ng nasabing barangay.



Comments