Putol-kuryente sa 'di nakabayad, bawal — ERC
- BULGAR

- Oct 8, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | October 9, 2020

Isang grupo ang nananawagan sa Meralco ngayong Huwebes na huwag munang magputol ng kuryente sa darating na Nobyembre.
Ayon sa Power4People, may mali umano sa singil ng kuryente noong magsimula ang
enhanced community quarantine noong Marso hanggang Mayo sa Metro Manila at
ginawang installment ang pagbabayad.
"Hinihiling namin na suspindehin, magkaroon ng moratorium para rito dahil tingin namin na hindi ito makatarungan para sa mga residential consumers," sabi ng convernor ng grupo na si Gerry Arances.
Agad naman itong pinabulaanan ng Meralco at sinabing hindi umano ito gagawa ng bagay na hindi akma sa batas.
Pagdating naman sa pagpapatupad ng 2 buwang grace period sa ilalim ng Bayanihan 2,
hindi umano sakop ang mga bill na nabayaran sa buwan ng Marso hanggang Agosto.
“Yung bill na ibinigay noong September 15 hanggang October 'yun ang may plaso lang o palugit na 30 days, hindi 'yung mga nakaraan... Ito ay bagong palugit sa mga bagong bills,” sabi ni ERC Chairman Agnes Devanadera.
Kaya naman, pinaalalahanan ng ERC ang Meralco na hindi basta-basta maaaring magputol ng koneksiyon ng kuryente.
Aniya, “Dapat may notice of disconnection na ibigay sa consumer bago magkaroon ng
putulan. Bakit? Puwede mo pang bigyan ng pagkakataong magbayad at 'di na kailangang putulan."
Samantala, limang buwan nang bumaba ang singil ng Meralco mula pa noong Mayo, ngunit nagbabadya umano itong tumaas ngayong Oktubre ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga.




Comments