Pusher, timbog sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | March 20, 2023
PALAWAN—Isang drug pusher na HVT (High-Value Target) ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Sta. Lourdes, Palawan City sa lalawigang ito.
Ang nadakip na suspek ay nakilalang si Mark Ryan Mendoza, 23, nakatira sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na nadakip ang suspek sa drug-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing lugar.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 0.42 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments