Pusher, timbog sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | April 2, 2023
CAPIZ — Arestado ang isang drug pusher sa buy-bust operation ng mga tauhan ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Roxas City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Richard Ferrer, 38, ng Bgy. Tiza sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, may natanggap umanong impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng shabu si Ferrer.
Agad na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa naturang barangay na naging dahilan upang madakip ang suspek, nakumpiska ng awtoridad ang 250 gramo ng
shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ngayon si Ferrer sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments