top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pusher timbog sa buy-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 19, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 19, 2023


CAGAYAN—Isang drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Maura, Aparri sa lalawigang ito.


Ang suspek ay nakilalang si Bernardo Alicias, 37, nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang bentahan sila ng droga ni Alcias ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page