top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pusher pumalag, tepok sa shootout

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 13, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | May 13, 2023


DAVAO CITY—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Lubogan, Toril District sa lalawigang ito.


Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si John Rey Dedoro, nasa hustong gulang at residente ng naturang lungsod.


Nabatid na may nakuhang impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng shabu si Dedoro kaya nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad at nang akmang dadakpin ay biglang pinagbabaril ng suspek ang mga operatiba.


Dahil dito, agad gumanti ng putok ang mga operatiba kaya napatay ang suspek.


Nakarekober ang mga awtoridad ng baril, mga bala at mga sachet ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page