Pusher ng shabu timbog sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | February 9, 2021
NUEVA ECIJA—Isang drug pusher ng shabu ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. F.E. Marcos, Talavera.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Chito Reyes, residente sa naturang barangay.
Nabatid na naaresto si Reyes sa isinagawang buy-bust operation sa nabanggit na lugar.
Nakakumpiska ang pulisya ng sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Reyes.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments