Pusher, natimbog sa buy-bust

Updated: Jan 9, 2021
@Balitang Probinsiya | January 4, 2021
LA UNION—Isang drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Pugo, Bauang.
Nakilala ang suspek na si Jonas Mazon, nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa naturang barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Mazon na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002.



Comments