Pusher na estudyante, arestado
@Balitang Probinsiya | May 7, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang drug pusher na estudyante ang nadakip sa buy-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. 40, Bacolod City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek na 19-anyos, habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
Nabatid na nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust ng mga awtoridad sa nasabing barangay.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng halos isang kilo ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments