Pusher na CAFGU, timbog
@Balitang Probinsiya | November 13, 2023
SULTAN KUDARAT -- Isang drug pusher na miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Brgy. New Isabela, Tacurong City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Norodin Midtimbang, nakatalaga bilang CAFGU sa Maguindanao del Sur.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad sa nasabing lugar at nang pagbentahan sila ng umano’y shabu ni Midtimbang ay agad itong dinakip ng mga operatiba.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng 300 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Midtimbang na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments