Pusher at 2 pamangkin, huli sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | February 8, 2021
BAGUIO CITY—Isang bigtime drug pusher at dalawang pamangkin nito ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Brgy. Sto. Tomas Proper.
Kinilala ang nahuling bigtime drug pusher na si Michael de Guzman, 48-anyos, samantalang inaresto rin ang dalawang pamangkin nitong dalawang menor-de-edad na kapwa hindi na pinangalanan ng pulisya.
Ayon sa ulat, sinalakay ng mga awtoridad sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte ang bahay ng pamilyang De Guzman at dito nadakip ang mga suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga operatiba ng 11 sachets ng shabu at 3 gramo ng marijuana sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments