Pusher, arestado sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | December 17, 2020
QUEZON—Isang drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. 2, Lucena City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jefferson Alfon, residente sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng marijuana ang suspek kaya nagsagawa ng buy-bust operation dahilan upang madakip si Alfon sa nasabing barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 431 gramo ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Alfon na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments