top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pusher, 6 adik timbog sa drug den

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 7, 2021



ALBAY—Isang drug pusher at anim na drug addict ang nadakip sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa drug den kamakalawa sa Bgy. Gogon, Legazpi City.


Ang naarestong drug pusher ay si Quintin Abesamis, samantalang hindi na muna pinangalanan ang anim na adik na nadakip din sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nang nalaman ng pulisya na ginagawang drug den ang bahay ni Abesamis ay agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng sampung sachets ng shabu at mga drug paraphernalia sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page