top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pusher, 5 adik huli sa drug den

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 16, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 16, 2020



DAVAO DEL NORTE—Isang drug pusher at limang drug addicts ang nadakip sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa drug den kamakalawa sa Bgy. Bincungan, Tagum City.


Ang naarestong drug pusher ay si Freddie Cordero, samantalang hindi na pinangalanan ang limang adik na nadakip din sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nalaman ng pulisya na ginagawang drug den ang bahay ni Cordero kaya agad itong sinalakay at dinakip ang mga suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng 18 sachets ng shabu at mga drug paraphernalia sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page