top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pumatay dahil sa pusoy-dos, natimbog

Writer: BULGAR
BULGAR
May 11, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 11, 2023


ILOILO—Isang lalaki na pumatay sa kanyang kasugal sa pusoy-dos ang ang nadakip ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Cag-an, Anilao sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilalang si Francisco Boteja, 37, at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong pagpatay sa isang Roy Apura na kasugal nito sa pusoy-dos noong Enero 22, 2023.


Nabatid na matagal nang pinaghahanap ng pulisya ang suspek at kamakalawa lang ito natiyempuhang dakpin.


Kusang sumama ang suspek sa pulisya nang dakpin siya sa nasabing barangay.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page